pare, nangangamusta lang. wala akong magawa ngayong araw na to. wala akong magawa kasi ayaw gumawa ng mga kamay ko. kasi ang isip ko'y nakabaon sa lupa katulad ng sa bangkay. mahirap talaga kapag sinasakal n g milyong emosyon. walang matinong kausap sa kanto. pinagtawanan ako nang sabihin kong pupunta ako sa makati at susuportahan ko ang nag-iisang senador na binoto ko. pasensya ka na pare ha. kelangan kong ilabas to. yung anak ko naglalaro sa labas. iniisip ko ang bukas paa sa kanya. wala si misis. nasa singapore. nagtitis ng lungkot. di ko kasi kayang buhayin... kaya kami ang binubuhay nya... sige pare... salamat. sana isang araw magkita tayo. God blesss